IQNA

Nilinis ang Banal na Ka'aba sa Mekka, Hinugasan Bago ang Hajj

13:57 - June 05, 2022
News ID: 3004159
TEHRAN (IQNA) – Natapos ang operasyon sa paghuhugas at paglilinis ng Ka’aba sa Mekka para ihanda ang banal na lugar para sa darating na Hajj.

Ang Pangkalahatang Panguluhan ng Dakilang Moske at ang Moske ng Propeta ay nagsabi na ang isang dalubhasang koponan ay gumagamit ng pinakabagong mga teknolohiya upang isagawa ang pana-panahong operasyon na hugasan ang ibabaw ng Ka'aba, iniulat ng website na gate.ahram.org.eg.

Inalis muna ng kuponan ang alikabok mula sa lahat ng mga bahagi ng ibabaw ng Ka'aba, kabilang ang mga dingding, bubong at pinto, at pagkatapos ay nilinis ang mga ito ng basang tela.

Pagkatapos ay hinugasan ng tubig ang ibabaw at pagkatapos matuyo, muli itong hinugasan ng tubig sa rosas, ayon kay Muhammad bin Muslih al-Jaberi, isang opisyal ng pagkapangulo.

Ang paggamit ng bagong mga pamamaraan at mga teknolohiya ay nakatulong sa pagpabilis sa opersayon ng paglilinis at pinababa ang mga gasto, ipinahayag ng isang opisyal.

Ang taunang Paglalakbay sa Hajj ay magsisimula sa banal na lungsod ng Mekka sa susunod na linggo.

Inanunsyo ng Saudi Arabia na tatanggap nito ang dayuhang mga peregrine para sa Hajj sa ngayong taon pagkatapos ng dalawang mga taong pagkakasuspinde dahil sa pandemya ng COVID-19.

 

 

 

3479167

captcha